Bangkay ng lalaki na natagpuan sa Tarbing River, Esteros, Cotabato City, kinilala na ng otoridad
- Teddy Borja
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala na ng otoridad ang bangkay ng lalaki na natagpuan sa ilog ng Tarbing sa Esteros, Rosary Heights 9, Cotabato City alas 11:30 kahapon ng tanghali

Si Alsahid Mamapen Kasim ang bangkay na natagpuang sa Tarbing River, Esteros, Rosary Heights 9, Cotabato City alas 11:30 ng tanghali kahapon.
Ito ang kumpirmasyon ng otoridad matapos positibong kinilala ng kanyang ina ang biktima na isang 31-anyos.
Isa itong payong-payong driver at residente ng Bagua II, Cotabato City.
January 10 pa missing ang biktima matapos umano itong dukutin ng tatlong lalaki sa city plaza.
Comments