iMINDSPH

Matumal pa ang bentahan ng bulaklak at kandila ngayong araw dahil kakaunti pa lamang ang mga pumupunta sa mga sementeryo sa lungsod ng Cotabato

Kakaunti pa lamang ang mga bumibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod kaya matumal pa ang benta ng bulaklak ayon kay Shelo Guo.

Sa presyo ng bulaklak tumaas ng singkwenta pesos ang dati ay 150 ngayon ay 200 pesos na. Nasa 1,500 naman ang pinakamahal.
Sa Chinese Cemetery kakaunti pa lang din ang kita ni Kamisita Macapagal ng ibinibenta nitong kandila.
Samantala, nagpatupad na ng rerouting ang Cotabato City Police sa ilang lugar sa syudad simula kahapon, October 30 hanggang November 2, 2024 para bigyang daan ang mga bumibisita sa mga sementeryo.
Comments