top of page

BIGAS, FOOD PACKS, HYGIENE KITS, IPINAMAHAGI NG PROJECT TABANG SA MGA BINAHANG RESIDENTE NG DATU PIANG AT DATU HOFFER, MAGUINDANAO DEL SUR

  • Diane Hora
  • Nov 8, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinanggap ng mga binahang residente ng Barangay Magaslong, bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur ang bigas, araw ng Huwebes, a-7 ng Nobyembre.



Ito ay sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni MP Haron Abas.



Ito ay mula sa Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB ng opisina ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, sa pamamagitan ng Project TABANG.



250 na tig 25 kilos na bigas din at food packs ang ipinamahagi ng programa sa pamilyang apektado ng Bagyong Kristine sa Barangay Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur, araw din ng Huwebes, November 7.



Kasabay nito ang pamamahagi ng 680 hygiene kits sa Madrasah Omar Al-Islamie, Ma’ad Assalam Al-Islamie, Madrasah Norulhuda Miramar, at Madrasah Al-Bawn.



Ito ay pinangunahan ng Health Ancillary Services.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page