top of page

Bilang ng nai-report na monkeypox cases sa MOH BARMM, umabot na sa 56 kung saan 8 dito ang kumpirmadong kaso

  • Diane Hora
  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Naglabas ng MPOX advisory ang Ministry of Health BARMM as of June 17, 2025.



Ayon sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng MOH, limang suspected cases ang dumagdag sa bilang.


As of May 5 hanggang June 17, 2025-


Umaabot na sa 56 ang kabuuang monkeypox cases ang nai-report, hindi kasama dito ang nag-negatibo ang resulta sa test.


Sa 56, 41 dito ang suspected cases, 7 ang probable cases at 8 ang confirmed cases.


Lahat ng suspected cases ay hinihintay pa ang resulta ng laboratory test.


Mula May 5 hanggang June 17, 2025 nasa 19 ang bilang ng negative cases sa rehiyon.


As of June 16, 2025, ayon sa MOH ang BARMM ay mayroong 30 percent mpox positivity rate.


Ang Cotabato City ay mayroong 24 suspected cases, dalawa ang probable, at dalawa ang kumpirmadong kaso.


Nagtala naman ang Maguindanao Del Sur ng 7 suspected cases, dalawang probable, at tatlong confirmed cases.


Ang Maguindanao Del Norte ay nagtala ng 8 suspected cases, 3 probable, at 3 confirmed cases.


Sa Lamitan City, dalawa ang naitalang suspected cases, zero probable, at zero confirmed case.


Sinabi ng MOH BARMM na nakapagtala ang ministry ng 23 recovered cases ng monkeypox, 9 dito ang mula sa Maguindanao Del Norte, 5 mula sa Maguindanao Del Sur, at 9 mula sa Cotabato City.


Isang residente sa lungsod na suspected case ang binawian ng buhay.


 
 
 

留言

評等為 0(最高為 5 顆星)。
暫無評等

新增評等

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page