BLTFRB ng MOTC BARMM, ikinasa ang 3 araw na anti-colorum operation sa Cotabato City
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng BLTFRB ang anti-colorum operation na isinagawa sa Cotabato City kasama ang key enforcement partners mula a-22 hanggang a-24 ng Abril.

Tinutukan sa operasyon ang unauthorized vehicles o transport units na nag-o-operate ng walang kaukulang franchises, permits, o legal documentation.
Kasabay ng roadside enforcement, isinagawa rin ng BLTFRB ang information dissemination at nakipag-ugnayan sa transport stakeholders at general public para isulong ang kamalayan hinggil sa passenger safety, transport regulations, at kahihinatnan ng paggamit o pag-operate ng illegal public vehicles.
Comments