CABB ng MOTC at LGU Bongao, nagpulong upang palakasin ang air commerce sa lugar
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINSDPH

Sa paghaharap muli sa pulong ng Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro o C-A-B-B sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communications-BARMM, tinalakay sa pagitan ng Local Government Unit ng Bongao ang pagpapalakas ng air commerce sa lugar.
Sinimulan na ng CABB at LGU Bongao ang pagpresenta at pagplano sa posibleng partnership sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement MOA.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng hangarin ni Minister Atty. Paisalin Tago, na makipagtulungan sa local governments at pahusayin ang transportation at communication systems sa Bangsamoro region.
Comments