top of page

CAFGU member sa Binidayan, Lanao del Sur na nahaharap sa kasong arson at kabilang sa wanted person, sumuko sa otoridad

  • Teddy Borja
  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sumuko ang nasabing CAFGU member alas 6:35 ng umaga, Abril a-23 sa Barangay Bubonga Ranao.


Kinilala ito sa alyas na “Bashet”, 36-anyos at residente ng Gandamato, Bayang.


Ito’y matapos nitong mapag alaman ang warrant of arrest laban sa kanya.


Humingi ang CAFGU member ng tulong sa dating Barangay Chairman ng Bayang.


Ang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch II, Malabang, Lanao del Sur.


Php 72,000.00 ang nirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito.


Nasa kustodiya na ng Binidayan MPS ang sumukong CAFGU member.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page