Campaign Against Illegal Recruitment, Trafficking in Persons and Irregular Migration o CAIRTIM, inilunsad ng MOLE sa Tipo-Tipo, Basilan
- Diane Hora
- 8 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan, mga estudyante, at kinatawan ng kababaihan sa isang advocacy awareness seminar na isinagawa sa Municipal Hall ng Tipo-Tipo, Basilan noong Hunyo 17, sa ilalim ng CAIRTIM program ng Ministry of Labor and Employment – BARMM.

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga panganib ng illegal recruitment, human trafficking, at irregular migration.

Sinabi ni Amna Farrah Alihuddin, Head at Supervising Labor and Employment Officer ng MOLE Basilan Field Office sa mga kalahok, na maging mapagmatyag, makinig nang mabuti, at ibahagi ang kaalaman sa kanilang pamilya at komunidad upang maiwasang mabiktima ng mga mapanlinlang na recruiter.
Nagkaroon din ng forum kung saan aktibong nakibahagi ang mga kalahok sa pamamagitan ng mga tanong at pagbabahagi ng karanasan hinggil sa sitwasyon ng trabaho at migrasyon sa kanilang lugar.
Ang CAIRTIM sa Tipo-Tipo ayon sa MOLE BARMM ay patunay ng dedikasyon ng ministry sa pamumuno ni Minister Muslimin Sema, na protektahan ang karapatan at dangal ng bawat Bangsamoro worker, saan mang panig ng mundo sila naroroon.
Comentários