Canvassing ng mga boto sa Maguindanao del Norte at SGA, isasagawa sa 6th Infantry Division habang sa provincial office ng COMELEC MagSur naman isasagawa ang canvassing of votes sa lalawigan
- Teddy Borja
- 14 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH
PHOTO: PHILIPPINE NEWS AGENCY

Kasado na ang lugar na pagdadausan ng provincial canvassing ng Maguindanao del Norte at SGA, gayundin ng Maguindanao del Sur.
Ayon kay COMELEC BARMM Regional Election Director, Atty. Ray Sumalipao, idadaos ang provincial canvassing ng Maguindanao del Norte at SGA sa 6th Infantry Kampilan Division.
Sa Maguindanao del Sur, gaganapin ang provincial canvassing sa tanggapan ng Provincial District Supervisor.
Ang lalawigan ng Maguindanao del Norte ay mayroong labindalawang munisipyo, dalawampu’t apat naman sa Maguindanao del Sur at animnapu’t tatlong barangay sa SGA.
Comments