top of page

COMELEC CHAIRMAN GEORGE GARCIA, BUMABA SA COTABATO CITY AT PERSONAL NA SINAKSIHAN ANG PAGHAHAIN NG COC NG MGA KANDIDATO SA 1ST BARMM PARLIAMENTARY ELECTION

  • Diane Hora
  • Nov 4, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Dumating ngayong araw sa Cotabato City si COMELEC Chairman George Garcia para saksihan ang paghahain ng COC ng mga regional political parties at parliamentary district representative.



Unang naghain ng list of nominees at Certificates of Acceptance of Nomination, gayundin ng Affidavits of Non-Affinity para sa regional party ang partidong Moro Ako.


Isa rin ang naghain ng COC para sa 2nd parliamentary district ng Maguindanao del Norte sa katauhan ni Sheik Abdulhadie Gumander.


Sinaksihan mismo ni chairman Garcia ang proseso.


Ayon kay chairman Garcia, sampu sa ngayon ang kanilang inaprubahan na regional parliamentary political parties mula sa labing anim na naghain.


Para sa BARMM Parliamentary Election, base sa nakasaad sa Bangsamoro Organic Law, ang parliament ay bubuuin ng walompong miyembro.


Apatnaput ang regional party representatives, 32 ang district representatives, at walo ang sectoral representatives.


Sa 32 parliamentary districts, Apat sa Maguindanao del Sur, Apat sa Maguindanao del Norte, pito sa Sulu, walo sa Lanao del Sur, tatlo sa Tawi-Tawi-, tatlo sa Basilan, dalawa sa Cotabato City at isa sa SGA.


Pero ayon sa COMELEC, 25 lang ang bubutohan para sa parliamentary district kasunod ng exclusion ng Sulu sa BARMM.


Aminado ang opisyal na isa itong legal na usapin na hindi na sakop ng COMELEC, Gayunpaman, ipatutupad aniya ng komisyon ang mandato nito na magsagawa ng halalan sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page