top of page

COMELEC Cotabato City, magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa pamumunit at pagbaklas ng kanilang campaign posters matapos magsumite ng liham ang TEAM Cotabato F1RST

  • Diane Hora
  • Apr 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinumpirma naman ni Cotabato City Election Officer, Atty. Dindo Maglasang na natanggap na nila ang isinumiteng liham ng TEAM Cotabato F1RST na humihiling ng imbestigasyon kaugnay sa pagpunit at pagbaklas sa kanilang mga campaign posters sa iba’t ibang lugar sa lungsod.


Ayon sa COMELEC Cotabato City, hinihiling na niya sa PNP na imbestigahan ang insidente kasabay ng kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil dito. Katuwang din ng COMELEC sa pagsasagawa ng validation at imbestigasyon ang Philippine Marines.


Sinabi ni Atty. Maglasang, na magsusumite siya ng report sa Regional COMELEC kaugnay sa nangyari.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page