COMELEC Gun Ban, ipinatutupad sa buong bansa epektibo a-12 ng Enero hanggang a-11 ng Hunyo; Mahigpit na implementasyon, ipinatutupad sa buong BARMM
- Diane Hora
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Pagpatak ng alas 12:01 ng hating gabi ng Linggo, January 12, epektibo na ang pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban sa buong bansa hanggang sa a-11 ng Hunyo kaugnay sa 2025 National at Local Elections, gayundin ng BARMM Parliamentary Elections.

Ibig sabihin, ipinagbabawal ang pagdadala o pagtransport ng baril ng walang pahintulot mula sa COMELEC.

Sa BARMM, nanguna si PNP BAR Regional Director Police Brigadier General Romeo Macapaz sa pagpapatupad ng mahigpit na implementasyon ng COMELEC Gun Ban sa buong rehiyon.

Sa Cotabato City, pinaiigting ang COMELEC checkpoints sa mga border control points at fixed outpost sa buong syudad.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal na rin ang pag-transfer, reassignment, pagsuspendi, o pag appoint ng government employee at opisyal ng gobyerno sa buong election period.
Kasamang nag-ikot ng PNP sa simultaneous ceremonial kick-off si COMELEC BARMM Regional Director, Atty. Ray Sumalipao at mga provincial election supervisors at elections officers.
Sa BARMM, ang COMELEC Gun Ban ay ipatutupad ng PNP 24 oras sa strategic locations katuwang ang Armed Forces of the Philippines at COMELEC.
Comments