iMINDSPH

Kasado na ang ipatutupad na seguridad ng Cotabato City Police Office ngayong darating na Undas.
Ito ang sinabi ni Cotabato City Police Director Police Colonel Michael John Mangahis.
Mag-iikot ang mga elemento ng Cotabato City PNP sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod para sa ocular inspeksyon.
Paalala muli ng otoridad, mahigpit na ipinagbabawal ang mga nakalalasing na inumin, pag-iingay o paggamit ng mga sound system lalo na ang pagdadala ng patalim sa loob ng sementeryo.
Magpapatupad rin ng re-routing at mahigpit na implementasyon ng curfew sa araw ng Undas.
Commentaires