Daan-daang mag-aaral ng Malingao Elementary School, Kadayangan, SGA ang tumanggap ng bags, school supplies at breakfast meal mula sa tanggapan ni MP Hashemi Dilangalen; Bigas, hatid din ng mambabatas
- Diane Hora
- 21 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Daan-daang mag-aaral ng Malingao Elementary School, Kadayangan, SGA, BARMM ang tumanggap ng bags, school supplies at breafkast meal mula sa tanggapan ni Member of Parliament Dr. Hashemi Dilangalen.
Bigas naman ang handog ng mambabatas sa mga guro at magulang mga mag-aaral. Ito ay sa ilalim ng programang "Tara, Aral Tayo!" Ni MP Dilangalen.
Tinungo ni MP Dr. Hashemi Dilangalen ang Malingao Elementary School sa bayan ng Kadayangan, SGA, BARMM.
Hatid nito ang school bags, school supplies, at breakfast meal para sa mga mag-aaral.
Bigas naman para sa mga magulang ng mga esduyante at Guro.
Ang hakbang ay bahagi ng educational program ng mambabatas. Ang "Tara, Aral Tayo!"
Malaking tulong ayon sa mga magulang sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan ang hatid ng mambabatas lalo na ang bigas, school bags at school supplies.
Nagpapasalamat naman ang kapitan ng barangay sa natanggap ng tulong.



Comments