top of page

Dating Barangay Kapitan ng Pidsandawan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur at 4 iba, arestado sa buy-bust operation ng otoridad!

  • Teddy Borja
  • Jan 17
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ang dating barangay kapitan ng Pidsandawan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur at apat na iba sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa lugar.



Ala 5:50 ng hapon, araw ng Huwebes, January 16-



Nang ikasa ng Rajah Buayan Municipal Police ang Intel- Driven Buy Bust Operation at pag dismantle ng Drug Den sa nasabing Barangay.



Ang mga nahuling indibidwal ay kinilala sa pangalan Ansarie, Abusama, Datu Ali, Hassan, at Ali na pawang residente ng bayan.


Ayon sa Rajah Buayan Police, positibong nabilhan si Asnarie ng nagpanggap na poseur buyer ng isang sachet ng suspected shabu na may timbang na 0.13 grams na may estimated street value na 250 pesos.


Ayon sa otoridad mismong mga residente at kaanak ng mga naaresto ang nagreport sa kanilang tanggapan.


Bukod sa nuanang gramo ng iligal na droga, nakumpiska ng otoridad sa operasyon ang medium heat-sealed transparent plastic sachet substance na pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang limang gramo at may estimated value na 34,000 pesos.


Nakuha rin ang isang weighing scale, Samsung Android Cellphone, identification card, improvised tooter, lighter, at gunting

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page