DBM, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ibalik ang P400M branding budget ng DOT
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Ibalik ang 400 million pesos para sa branding budget ng Department of Tourism.

Ito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Budget and Management.

Ayon sa Presidential Communications Office, Ito ay upang maipagpatuloy ang magandang nasimulan ng mga Pilipinong gaya nina Carlos Yulo, The Voice US champ Sofronio Vasquez, at healthcare workers sa pag-angat ng imahe ng bansa.
Sa miting, tinalakay na kukunin ang pondo mula sa contingency fund ng Pangulo. Sinuportahan din ni DOT Secretary Christina Frasco ang mga hakbang ng administrasyon sa pagsulong pa ng turismo para sa higit na oportunidad para sa kalakalan, at pagbisita mula sa foreign tourists.
Comentarios