top of page

DEPED AT IBP, LUMAGDA SA ISANG MOA PARA SA LIBRENG LEGAL NA TULONG SA MGA GURO AT KAWANI NG MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN

iMINDSPH



Makakatulong sa mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education ang pagkakaroon ng access sa legal na payo ukol sa iba’t ibang usapin.


Ito ang sinabi ni DEPED Secretary Sonny Angara sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Ito rin ang nilalayon ng nilagdaang Memorandum of Agreement ng DEPED at Intergrated Bar of the Philippines para sa libreng legal na tulong sa mga guro at kawani ng mga pampublikong paaralan.


Kabilang sa mabebenepisyuhan ng kasunduang ito ang administrative officers, accountants, clerks, at bookkeepers sa mga paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa.


Ayon sa DEPED, mahigit 800,000 guro at higit 100,000 non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan ang matutulungan ng MOA.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page