DEPLOYMENT NG MAHIGIT 400 SUNDALO
- Teddy Borja
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Idineploy na ang 400 personnel ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa iba’t ibang brigade ng militar sa Central Mindanao.

Ito ang composite battalion na inatasang tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ang Send-Off Ceremony ay isinagawa araw ng Lunes, April 28 na pinangunahan ni Brigadier General Patricio Ruben Amata, Assistant Division Commander of the 6ID.

Ang deployment ng mahigit 400 na sundalo ay karagdagang pwersa bukod pa sa
reinforcements ng 48th Infantry Battalion, 1st Armor Company ng Armor Division, at Marine Battalion Landing Team 6 na nakatutok sa pagpapaigting ng security measures para sa halalan.
Pinaalalahanan naman ni 6th ID at Joint Task Force Central Commander Major General Donald Gumiran, ang lahat ng kanyang mga tauhan na panatilihin ang political neutrality.
Comments