top of page

Driver ng payong-payong at driver ng trisikad sa Cotabato City, arestado matapos mahulihan ng iligal na droga

  • Teddy Borja
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Imbes na mamasada, kulungan ang bagsak ng payong payong driver na kinilala sa alyas na “Al”, 18 years old at ang trisikad driver na si alyas “Ros”, 18-anyos, pawang mga residente ng Poblacion 2, Cotabato City.



Ayon sa report ng otoridad, habang nag roronda ang Barangay official ng Barangay Poblacion 2, Cotabato City, hinuli ang mga suspek matapos makuha sa posesyon ng mga ito ang iligal na droga na pinaniniwalaang shabu na tinatayang tumitimbang ng mahigit kumulang 0.7 gramo at nagkakahalaga ng 4,760.00 pesos.


Ang mga naarestong suspek at mga nasamsam na ebidensya ay dinala sa Police station 1 ng Cotabato City Police para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang kasong Paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page