Halos 1,000 residente ng Old Kaabakan ang benepisyaryo ng isinagawang Medical Mission ng Project TABANG
- Diane Hora
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Limang daan at dalawampu’t pitong residente ng Barangay Simone, Old Kaabakan, SGA ang benepisyaryo sa isinagawang Medical Mission ng Project TABANG a-10 ng Enero.

Bukod sa libreng serbisyong pangkalusugan, binigyan din ng libreng gamot ang mga residente.

Ang distribusyon ay pinangunahan ng Health Ancillary Services ng programa.

Ang medical mission ay isinagawa ng Project TABANG sa pakikipagtulungan ng 8th Avenue Foundation.

Samantala, sa Barangay Buluan naman sa nasabi pa rin na bayan-

Tatlong daan at siyamnapu’t limang residente rin ang benepisyaryo ng kaparehong tulong, a-11 ng Enero.

Pinangunahan naman ito ng Health Ancillary Services at Access to Health Opportunities, and Development o AHOD sa pakikipagptulungan pa rin ng 8th Avenue Foundation.



Kommentare