top of page

Hemodialysis Clinic ng Datu Halun Sakilan Memorial Hospital sa Bongao, Tawi-Tawi, binigyan na ng permiso ng MOH na mag-operate

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Simula April 14, 2025-



Operational na ang hemodialysis clinic ng Datu Halun Sakilan Memorial Hospital sa Bongao, Tawi-Tawi.



Ito ay matapos bigyan ng license to operate ng MOH ang nasabing ospital.


Ayon sa ibinahaging impormasyon ng AMBaG-


Itinuturing na malaking accomplishment ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Tawi-Tawi sa ilalim ng Ministry of Health, ang center.


Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Tawi-Tawi.


Ayon sa center, sa tumataas na bilang ng mga dialysis patients sa probinsya, malaking tulong anila ang pagbubukas ng center lalo’t kailangan pang bumiyahe ng Zamboanga ng mga pasyente na sumasailalim sa dialysis.


Ang center ay mayroong pitong dialysis machines.


Ang pagbubukas ng Hemodialysis Center sa Tawi-Tawi ay patunay lamang umano ng pangako ng BARMM government sa paghahatid ng quality at accessible healthcare sa mga underserved areas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page