House Bill 10902, aprubado na sa House Committee on Muslim Affairs; Hajj Privatization Bill, nakasalang na rin sa Senado
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Tinututukan ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura ang maisaayos at maginhawa ang pagsasagawa ng Hajj pilgrimage ngayong taon.

Sa ngayon, pasado na sa ikatlong pagbasa ang House Bill 10867 o Ang Hajj Privatization Bill kung saan isa sa mga may akda ang mambabatas.

Naisumite sa Senado ang panukala mula sa mababang kapulungan.

Bukod sa House Bill 10867, aprubado na rin sa House Committee on Muslim Affairs ang House Bill 10902 kung saan principal author si Congresswoman Bai Dimple Mastura.

Ang naturang batas ay naglalayong ideklara ang ika-7 ng Nobyembre ng bawat taon bilang National Special Working Holiday bilang pag-gunita sa pagkakatatag ng unang Mosque sa bansa at ang introduksyon ng relihiyong Islam sa Pilipinas.
Comments