top of page

HUWAG PAHINTULUTAN ANG MGA APPOINTED OFFICIALS NG BARMM GOVERNMENT NA MANATILI SA KANILANG POSISYON PAGKATAPOS MAGHAIN NG COC

iMINDSPH



Naghain ng petisyon sa Supreme Court ang grupo ng mga registered voters sa Bangsamoro region na humihiling na huwag pahintulutan ang mga miyembro ng BTA o appointed officials ng BARMM at itinalaga sa gabinete na manatili sa posisyon kapag naghain ang mga ito ng Certificate of Candidacy o Certificate of Nomination bilang party representatives sa 2025 BARMM elections.



Tinukoy ng grupo ang 2 probisyon ng Bangsamoro Electoral Code (BEC) at ang rules ng Commission on Elections na nagpapahintulot sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at appointed officials gayundin ang mga itinalaga sa gabinete ng Bangsamoro Government na manatili sa posisyon kahit pa maghain ang mga ito ng kanilang Certificate of Candidacy o Certificate of Nomination bilang party representatives sa 2025 BARMM elections.


Ang petisyon ay inihain araw ng Miyerkules, October 30 nina Mustapha Kabalu, Atty. Badrodin Mangindra, Saad Delna, Soekarno Mohammad at Punduma Sani sa pamamagitan ng kanilang abugado na si Atty. Romulo Macalintal.

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page