HVI, arestado ng otoridad sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato; P374K halaga ng suspected shabu, nakumpiska sa operasyon!
- Teddy Borja
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “James”, 39-years old, residente ng Purok 15, Barangay Apopong, General Santos City.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Sabado, April 26 sa Purok Demaklid, Brgy Cannery, Polomolok, South Cotabato.
Ang pinaniniwalaang shabu ay tumitimbang ng 55 gramo ayon sa otoridad.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Polomolok MPS para sa proper disposition, habang ang nakumpiskang drug evidence ay nasa kustodiya na ng investigator-on-case at nakatakdang isailalim sa forensic examination sa Provincial Forensic Unit sa South Cotabato.
Comments