Iba’t ibang isyu na may kinalaman sa peace and order sa BARMM, inilatag sa 2nd Quarter Regional Peace and Order Council o RPOC Meeting na pinangunahan ni Chief Minister Abdulraof Macacua
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Iprenisinta ni PNP PRO BAR Chief of the Regional Operations Division, Police Colonel Michael John Mangahis, ang mga usapin kaugnay sa peace and order situation sa BARMM sa 2nd Quarter Regional Peace and Order Council o RPOC Meeting, araw ng Miyerkules, April 30.

Binigyang diin nito ang pangako ng PNP PRO BAR na sa pagpapanatili sa seguridad, at pagbibigay diin sa deployment ng police forces sa high-risk areas upang protektahan ang komunidad at tiyakin ang integridad ng halalan sa May 12.

Ang RPOC meeting ay pinangunahan ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua. Dumalo si RPOC Vice Chairperson Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, local government officials, representatives mula Armed Forces of the Philippines, iba pang law enforcement agencies, at iba’t ibang stakeholders.




コメント