Incumbent barangay captain ng Balindong, Lanao del Sur na kabilang sa listahan ng Top 6 Most Wanted ng bayan, arestado ng otoridad
- Teddy Borja
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa report ng PNP PRO BAR,
Alas-8:45 ng gabi noong Abril 25, 2025, matagumpay na nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Balindong Municipal Police Station, RID-RIAT Lanao del Sur, PIU, at PSOG, sa ilalim ng superbisyon ng Provincial Director ng LDSPPO-
ang 43-anyos na kapitan ng Dimarao.
Ayon sa PNP PRO BAR, bago isinagawa ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang impormante ang mga operatiba na nagsabing namataan ang suspek sa loob ng kanyang tahanan.
Dagdag ng otoridad, ,matapos makumpirma ang ulat, agad na ikinasa ang operasyon na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Sa report ng PNP PRO BAR, Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 10, Marawi City, noong Mayo 15, 2024, sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa ilalim ng Criminal Case No. 7876-16.
Php 80,000.00 ang inirekomendang piyansa ng kortea sa kaso.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Balindong Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Pinuri ni PBGEN ROMEO J MACAPAZ, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), ang tagumpay ng operasyon na patunay umano ng mahusay na koordinasyon at pagsusumikap ng mga kapulisan.
Patuloy na nananawagan sa publiko ang PNP PRO BAR na makipagtulungan, agad ipagbigay-alam ang anumang kahina-hinalang aktibidad, at mag-report ng mga wanted na tao sa mga komunidad upang masugpo ang krimen at mapanatili anila ang kapayapaan.
Comments