top of page

International review at assessment sa Shari’ah Justice System sa bansa, gayundin ang mga hamon na kinakaharap ng Shari’ah courts, tinalakay ng Bangsamoro Justice System Committee ng BTA

  • Diane Hora
  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagharap ang Bangsamoro Justice System Committee ng BTA araw ng Martes, at tinalakay ang institutional review at assessment ng Shari’ah justice system sa Pilipinas.



Inisa-isa ang mga balakid at oportunidad ng Shari’ah law sa legal at judicial framework ng bansa.



Ang pagtalakay ay alinsunod sa kasalukuyang reporma na ipinatutupad ng Supreme Court upang mapalakas at mapahusay pa ang functionality ng Shari’ah courts.



Tinalakay din ang mga hamon na kinakaharap ng mga Shari’ah courts at inilatag ang mga rekomendasyon sa pulong para tugunan ang mga hamon.



Sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, ang mga Shari’ah courts sa Bangsamoro territorial jurisdiction ay kinikilala bilang parte ng Philippine judicial system at nag-ooperate sa ilalim ng supervision ng Supreme Court.


Maghahanda rin ang komite ng report hinggil dito na isusumite sa Bangsamoro Parliament.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page