Kapitan ng Poblacion 2, Parang, Maguindanao del Norte, boluntaryong isinuko ang isang caliber 45 pistol sa Parang Municipal Police
- Teddy Borja
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Dinala ng isang barangay kawagad ng Parang, Maguindanao del Norte ang isang caliber 45 pistol sa istasyon ng pulisya sa bayan alas 8:00 ng umaga, araw ng Lunes, February 4.

Ayon sa Parang Municipal Police, ang barangay kagawad ang nagrepresenta kay Poblacion 2 Barangay Captain Abdul Aziz-Ali na boluntaryong nagsuko ng nasabing baril.
Sinabi ng otoridad na bahagi ito ng pinalalakas na kampanya ng PNP kontra loose firearms.
Nasa kustodiya na ng Parang Municipal Police ang isinukong baril para sa marking at documentation at nakatakdang iturn over sa Maguindanao del Sur Provincial Police Office.
Comments