Lalaki, arestado sa Zone 4, PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato City matapos makuhanan ng suspected shabu
- Teddy Borja
- Jan 15
- 1 min read
iMINDSPH

Tumitimbang ng 0.09 gramo ang hinihinalang shabu na nakumpiska ng Cotabato City Police Drug Enforcement Unit sa buy-bust operation araw ng Martes, January 14, sa Zone 4, PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato City.
Matagumpay ang pagbili ng nagpanggap ng poseur buyer mula sa suspek ng apat na sachets ng pinaniniwalaang naglalaman ng shabu na may standard price na 621 pesos.
Narekober din ng otoridad sa operasyon ang buy-bust money, improvised gas tooter at iba pang ebidensiya.
Sasailalim sa booking, medical at drug testing ang naarestong indibidwal habang dadalhin naman sa RFU-BAR ang mga nakuhang ebidensiya para sa qualitative & quantitative examinations.
Comments