top of page

Lalaki at babae, arestado sa South Cotabato matapos masamsam ang P137,000.00 na halaga ng suspected shabu sa kanilang pag-iingat

  • Teddy Borja
  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang 31-anyos na si alyas “Karen” at ang 39-anyos na si alyas “William” matapos isilbi ng otoridad ang search warrant laban sa dalawa, araw ng Martes, 14 ng Enero.


Inaresto ang dalawa sa mismo nilang tanahan sa Poblacion, Norala, South Cotabato ala 6:41 ng umaga nang isilbi ng otoridad ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 26 na may petsang January 7, 2025 at nasamsam sa kanilang pag-iingat ang dalawampung gramo ng hinihinalang shabu na may standard price na 137,000.00.


Ang operasyon ay pinangunahan ng Norala Municipal Police.


Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Dngerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Коментарі

Оцінка: 0 з 5 зірок.
Ще немає оцінок

Додайте оцінку

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page