top of page

Lalaki na residente ng Datu Paglas, Maguindanao del Sur, arestado sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte dahil sa paglabag sa RA 9165

iMINDSPH


Ang suspek ay 36-year-old.


Inaresto ito araw ng Linggo, March 30, 2025, ala 1:55 PM ng hapon malapit sa PNP outpost sa Barangay Dalican ng bayan.


Ayon sa otoridad, kahina-hinala umano ang galaw ng lalaki kaya isinailalim ito sa search na nagresulta sa pagkakakuha ng dalawang sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 10.1 gramo at nagkakahalaga ng 68 thousand pesos.


Kinumpirma din sa rekord ng barangay ayon sa otoridad na kilala ang suspek na drug personality.


Dinala na sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang suspek para sa proper disposition. Habang ang nakumpiskang suspected shabu ay isinumite na sa RFU-BAR para sa examination.


Inihahanda na rin ng otoridad ang kasong isasampa laban sa suspek.

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page