top of page

Lalaki na subject ng Search Warrant sa Arakan, Cotabato Province, patay matapos umanong manlaban sa otoridad

  • Teddy Borja
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa report ng otoridad-


Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na magpapatupad ng search warrant sa Sitio Talaytay, Barangay Malibatuan, Arakan, Cotabato, a-25 ng Abril 2025.


Kinilala ang nasawi sa alyas “Nim”, nasa wastong gulang, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.


Ayon sa ulat, alas-11:16 ng gabi, pinangunahan ng Arakan Municipal Police Station kasama ang mga tropa mula sa 1203rd Maneuver Company ng RMFB 12, 1st Cotabato PMFC, CPPO-PIU, at DI-MAPIO ang pagpapatupad ng Search Warrant laban sa suspek.


Pero sa halip umano na sumunod sa awtoridad, agad na nagpaputok si Nim sa mga operatiba, dahilan upang gumanti ang mga pulis ayon sa report.


Tinamaan si Nim at agad na isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival ng doktor.


Sa isinagawang crime scene investigation ng Cotabato Provincial Forensic Unit, narekober ang isang .38 caliber revolver na may isang bala at isang fired cartridge, pati na rin ang dalawang basyo ng 5.56mm na bala.


Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sangkot si alyas “Nim” sa serye ng pamamaril sa lalawigan sa mga nakaraang taon, kasama ang kaniyang mga anak na kasalukuyang nakakulong sa North Cotabato District Jail at wanted person, gayundin ang kaniyang kapatid at pamangkin na nakakulong sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga at iligal na baril.


Dagdag ng otoridad, base sa kanilang intelligence report, Nobyembre 2024 hanggang Abril 2025, sangkot si alyas “Nim” sa umano’y iligal na pag-iingat at pagbebenta ng mga armas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page