top of page

LEGAL IMPLICATIONS NG 3 PANUKALANG BATAS NA NAGLALAYONG AMYENDAHAN ANG PLEBISCITE REQUIREMENTS NG ITATATAG NA MGA BAYAN NG HULING, DATU SINSUAT BALABARAN AT SHEIK ABAS HAMZA, TINALAKAY SA COMMITTEE ON

iMINDSPH



Nagharap ang mga miyembro ng Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws ng BTA araw ng Lunes, October 28 at tinalakay ang legal implications ng tatlong panukalang batas na naglalayong amyendahan ang plebiscite requirements sa itatatag na mga bayan ng Nuling, Datu Sinsuat Balabaran, at Sheikh Abas Hamza sa Maguindanao del Norte.



Inihain ang Parliament Bill Nos. 331, 332, at 333 upang tugunan ang naging desisyon ng Supreme Court sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 53, 54, at 55 kung saan dineklarang unconstitutional ang section 5 ng mga batas.


Nilalayon ng tatlong panukalang batas na isama sa pagboto ang lahat ng qualified voters mula sa itatatag na munisipyo at sa mother municipality.


Upang pangasawiaan ang comprehensive review, Nagdesisyon ang komite na hingan ng kanilang pananaw ang mga eksperto tulad ng Bangsamoro Attorney General’s Office at Policy Research and Legal Services teams, upang i-assess ang legal ratifications hinggil sa proposed amendments.


Samantala, inihalal naman ng committee si Deputy Floor Leader Jose Lorena bilang dagdag na vice chair ng komite.

Comentarii

Evaluat(ă) cu 0 din 5 stele.
Încă nu există evaluări

Adaugă o evaluare

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page