top of page

Magsasaka, patay matapos barilin sa Pandag, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang biktima na si Noran Guimalon Salik, 30-anyos, residente ng Barangay Damakling, Paglat, Maguindanao del Sur.



Ayon sa imbestigasyon ng Pandag MPS, sakay ng tricycle ang biktima, kasama ang kanyang asawa, anak at sister in law nang pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo.



Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan at agad na dinala sa Buluan District Hospital, pero ayon sa otoridad, idineklara ito ng attending physician na dead on arrival.


Ligtas naman ang asawa, anak at sister in law nito.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril, na isusumite sa RFU BAR para sa ballistic examination.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page