Maguindanao Provincial Government, namahagi ng food packs sa mga pamilyang apektado ng baha sa mga bayan ng Paglat at Pandag
- Diane Hora
- Oct 24
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maguindanao del Sur Provincial Government at ng Team Datu sa Talayan, isinagawa ang pamamahagi ng food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa bayan ng Paglat, katuwang ang LGU Paglat sa pakikipag-ugnayan sa DSWD Region XII at BARMM READi.
Kasunod nito, nagtungo rin ang grupo sa bayan ng Pandag upang maipaabot ang tulong sa mga residente roon na lubos na naapektuhan ng pagbaha.
Dahil sa maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan, matagumpay na naihatid ang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.



Comments