MAHIGHIT P76M PROPOSED BUDGET NG BANGSAMORO ATTORNEY GENERAL’S OFFICE (BAG0) PARA SA TAONG 2025, APRUBADO NA SA LEVEL NG COMMITTEE ON FINANCE, BUDGET AND MANAGEMENT
- Diane Hora
- Nov 5, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Mas mataas ng 18 million 711 thousand pesos ang proposed budget ng Bangsamoro Attorney General’s Office para sa susunod na taon.

Aprubado na ng Committee on Finance, Budget, and Management ng BTA Parliament, araw ng Lunes, ang proposed budget ng tanggapan na nagkakahalaga ng P76.554 million.

Binigyang diin ng OIC-Attorney General na si Mohammad Al-Amin Julkipli mahalaga ang pagpapahusay pa sa pagbibigay ng legal services.

Malaking bahagi ng pondo ay laan sa operational activities, kabilang dito ang case litigation, legal opinions and advice, at iba pang legal services.
Bahagi rin ng mandato nito ang pag-reinforce ng justice system sa BARMM tulad ng pagbibigay ng legal opinions sa mga usapin sa Parliament, Chief Minister, at iba pang ministries sa rehiyon.
Bagamat aprubado na sa lebel ng komite, dadaan pa ito sa masusing paghimay sa plenary debates.
Comments