Mahigit 1,000 residente ng General Salipada K. Pendatun, benepisyaryo sa isinagawang Medical & Dental services at Outreach Program
- Diane Hora
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Isang daan at limampung adult residents ng GSKP ang nakapagpakonsulta ng libre at pitumpo’t pito ang mga bata.

Tatlumpo ang nakapagpabunot ng ngipin at apatnapu’t isa ang nakapagpatuli.

Isang daan at apatnapu’t lima ang nabigyan ng reading eye glasses, limang daan ang benepisyaryo ng feeding program at dalawang daan ang nabigyan ng bagong tsinelas.

Ito ay sa patuloy na pag iikot ng Medical at Dental Team ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur upang maghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Inilalapit ng provincial government ang serbisyo nito sa mamamayan at ipinapadama ang alagang ina sa probinsya.

Ilan lamang ito sa mga programa na itinataguyod ng MagSur sa buong lalawigan.


Comments