Manggagawa sa M’lang, Cotabato, arestado matapos positibong mabilhan ng pinaniniwalaang shabu ng isang nagpanggap na poseur buyer
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang naaresto na si alyas “Ren” 23-anyos, trabahador mula sa Purok 1, Barangay Bialong, Mlang, Cotabato.
Inaresto ito, alas 9 ng gabi, a-29 ng Abril.
Isang poseur buyer ang matagumpay na nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek. Narekober din sa operasyon ang dalawa pang sachet ng hinihinalang naglalaman ng methamphetamine hydrochloride at isang marked ₱500 bill.
Nasa kustodiya na ng Mlang Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at booking.
Isinailalim din ito sa medical examination.
Comments