top of page

MBHTE at PTIQ University, ang kauna-unahang Al Qur’an university sa Indonesia, lumagda sa isang Memorandum of Understanding

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagtungo sa Indonesia ang mga opisyal ng MBHTE BARMM partikular ng mga namumuno sa Bangsamoro Kulliyyah for Islamic Studies o BKIS para sa isang benchmarking visit



Ito ay para suportahan ang curriculum, instruction, research, at pagpapalawig sa Islamic higher education sa rehiyon.



Ang delegasyon ay pinangunahan ni Director General Marjuni Maddi ng Higher Education, Director General Tahir Nalg ng Madaris Education at Interim BKIS President Datuan Magon.



Kabilang sa kanilang mga tinungo na Islamic Institutions ang MAN Insan Cendekia Serpong at Universitas Islam Negeri.


Pinakamahalagang parte ng pagbisita ng grupo ay ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng PTIQ University, ang kauna-unahang Al Qur’an university sa Indonesia. Sakop ng MOU ang academic exchange, joint research, curriculum development at scholarships.



 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page