Mga natulungan ng AMBaG mula 2019, umabot na sa 231,623 indibidwal kung saan 83 percent dito ang zero balance biling assistance
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mula nang ilunsad ang programa AMBaG noong Disyembre 2019, umabot na sa 231,623 ang kabuuang bilang ng mga natulungang indibidwal, kung saan 83% dito ang zero-balance billing assistance.
Sa datos ng programa, umabot na sa kabuuang P1,027,161,815 ang na-disburse na pondo sa iba’t ibang partner hospitals sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at sa labas ng territorial jurisdiction ng rehiyon.
Ayon sa AMBaG, sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga ospital, nananatiling mabilis at madali ang pag-access ng bawat Bangsamoro sa serbisyong pangkalusugan na may kalinga at serbisyo.
Pinakamalaking fund transfer ng AMBaG ay ang nagkakahalaga ng P60 million sa Cotabato Regional and Medical Center upang mapaunlad ang healthcare services para sa mga indigent patients.
Sa kasaluyan, ang flagship program ay mayroon nang 21 partner hospitals sa Bangsamoro region at 24 naman sa mga lugar na hindi sakop ng BARMM, tulad ng Sulu, North at South Cotabato, General Santos City, at mga rehiyon ng Davao at Zamboanga Peninsula.
Ang AMBaG ay isang flagship program ng Bangsamoro Government na nagbibigay ng medical assistance sa mga financially needy Bangsamoro constituents, at magkaroon sila ng access sa health services.
Comments