iMINDSPH

Dagsa na ang mga pasahero sa mga bus terminal sa lungsod isang araw bago ang Undas. Karamihan ay luluwas sa kani-kanilang probinsya para dumalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Bumiyahe na ngayong araw si Victoria Boma patungong Davao para mayroon pa umano siyang sapat na panahon na makabonding ang kanyang pamilya at sabay-sabay na silang dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa UNDAS.

Dagsa na ngayong araw ang mga pasahero sa terminal ng bus sa Cotabato City, isang araw bago ang UNDAS.
Kahapon, ikinasa ng mga kawani ng PDEA BARMM at BLTFRB ng MOTC BARMM ang UNDASPOT upang matiyak na nasa kondisyon hindi lamang ang mga pampublikong mga sasakyan kundi maging ang mga driver at masigurong hindi gumagamit ang mga ito ng iligal na droga.
Comments