Mga proyekto ng MOTC BARMM sa Jolo, Sulu kabilang na ang solar light installation sa Jolo Airport, itinurnover na sa LGU
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang ceremonial ribbon-cutting at turn over, araw ng Sabado, April 26.

Dito pormal nang itinurn over ng MOTC BARMM sa LGU Jolo ang natapos nang konstruksyon ng Administrative Building, solar light installations sa Jolo Airport, rehabilitation ng Staff House, at pagkakaroon ng warehouse sa Jolo Airport, Sulu.

Ang seremonya ay pinangunahan ni MOTC Minister, Atty. Paisalin Tago, CPA, at Gov. Abdusakur Tan.

Ayon sa MOTC, patunay ang mga natapos na proyekto ng sama-samang dedikasyon upang mapahusay ang public services, economic growth, at pag-angat ng kalidad ng buhay sa rehiyon.

Comments