top of page

Mga putok ng baril, umalingaw-ngaw sa looban ng Balanaken, Datu Piang na isang komunidad ng MILF

  • Teddy Borja
  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH



Umalingaw-ngaw ang mga putok ng baril sa loobang bahagi ng Barangay Balanaken, Datu Piang, Maguindanao del Sur, ala 6:50 ng gabi, araw ng Lunes.


Ayon sa report ng Datu Piang Municipal Police, isang MILF community ang lugar. Tumagal ng dalawampung minuto ang mga putok ng baril.


Wala namang naiulat na nasawi sa mga grupong sangkot sa putukan at walang naiulat na lumikas na mga sibilyan mula sa lugar.


Nakipag ugnayan na ang Datu Piang Municipal Police sa pamunuan ng 6th Infantry Battalion at ipinagbigay alam na rin ang pangyayari sa kalapit na himipilan ng pulisya upang mapigilan ang paglaki pa ng gulo.


Ipinaalam na rin ng pulisya sa MILF at CCCH ang pangyayari, gayudin sa provincial police office ng Maguindanao del Sur at Armed Forces of the Philippines.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page