Mga PUV driver sa Cotabato City, isinailalim ng BLTFRB BARMM sa PUV Drivers’ Seminar para isulong ang ligtas, legal at mabisang public transportation sa BARMM
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Usapin sa compliance requirements, safety protocols, at overview ng transport modernization efforts, ilan ito sa tinalakay sa isinagawang PUV Drivers’ Seminar ng BLTFRB BARMM sa mga driver mula sa iba’t ibang kooperatiba sa Cotabato City.

Ibinahagi rin sa mga lumahok ang mga nakaumang na mga program ng BLTFRB sa susunod na taon na dinisenyo para mapahusay pa ang quality at accountability ng public transport services sa rehiyon.

Ipinaunawa din sa mga ito ang BLTFRB laws at enforced regulations na ipinatutupad sa buong BARMM region.





Comments