Mga residente ng Datu Piang, Maguindanao del Sur, benepisyaryo din ng isinasagawang libreng serbisyong medikal at dental ng MagSur Provincial Government
- Diane Hora
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Uramangkada rin sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur ang Medical at Detal Outreach Program ng pamahalaang panlalawigan.

Daan-daang residente ang sumailalim sa libreng konsultasyon, nabigyan ng libreng gamot, nakapagpatuli ng libre, nakapagpabunot ng libre, nagkaroon ng libreng eyeglass, libreng tsinelas at benepisyaryo ng feeding program.

Isinagawa ang libreng serbisyong pangkalusugan sa Barangay Dado, a-11 ng Enero sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Nagpapasalamat naman ang mayoral candidate ng bayan na si James Mlok sa tulong na kaloob ng provincial government.



Comments