top of page

Mga residente sa buong lalawigan ng Basilan, tumanggap ng tig-25 kilos ng bigas at food packages mula sa Project TABANG

iMINDSPH



Namahagi ang Project TABANG ng bigas at food packages sa lahat ng mamamayan sa buong probinsya. Ito ay sa pamamagitan ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB at Humanitarian for Orphanages, Markads, Elderlies and with Special Needs o HOMES Programs.



Tinanggap ng mga residente ang tig 25 kilos ng bigas. Ikinasa ang distribusyon mula March 4 hanggang 11.



Umabot na sa mahigit 11,000 sets of food at essential supplies ang naipamahagi sa lalawigan simula Enero ngayong taon at patuloy pa rin ang pamamahagi sa lugar.



Naabot na ng Project TABANG teams ang labin isang bayan at dalawang syudad sa probinsya.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page