iMINDSPH

Inuwi ng Ministry of Health BARMM ang dalawang gintong parangal, dalawang silver at limang bronze awards sa grassroots healthcare services sa ginanap na Barangay Health Workers Summit ng Department of Health sa Davao City.

Isinagawa ang summit mula a-22 hanggang a-24 ng Oktubre. Ibinase ang paggawad ng parangal sa sustainability at impact ng mga programa na naayon sa Health Promotion Framework Strategy, gayundin ang innovation at creativity ng mga Barangay Health Workers.

Ayon kay DOH secretary Dr. Teodoro Herbosa, ang mga BHW ang sandigan sa sektor ng kalusugan dahil sila ang unang malalapitan ng mga residente sa komunidad.

Binigyang diin naman ni DOH Undersecretary Dr. Abdullah Dumama, ang kontribusyon ng mga BHW sa implementasyon ng health programs sa kani-kanilang komunidad.
Ang parangal ay nagsilbing pagkilala sa dedikasyon at determinasyon ng mga BHWs at sa pagsusumikap ng MOH na mapahusay pa ang healthcare system sa rehiyon.
Comments