top of page

MP Abdullah Macapaar, personal na tinanggap ang kanyang Safe Conduct Pass (SCP) na inisyu ng Local Amnesty Board (LAB) Cotabato City

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 4 min read

iMINDSPH



Nagtungo sa tanggapan ng Local Amnesty Board Cotabato City at personal na tinanggap ni Member of Parliament Abdullah Macapaar o mas kilala bilang Commander Bravo ang kanyang Safe Conduct Pass o SCP, araw ng Miyerkules, July 23, 2025.


Pinangunahan ni LAB Chairperson, OIC Regional Prosecutor XII Atty. Mariam April Mastura ang pag release ng SCP kay Macapaar sa isang seremonya na ginanap sa Cotabato City. Ang kanyang SCP ay inisyu ni NAC Commissioner Atty. Jamar Kulayan.


Ang seremonya ay sinaksihan ng Third-Party Monitoring Team o TPMT na pinamumunuan ni Heino Marius.


Matapos matanggap ang kanyang SCP, sumailalim din si MP Macapaar sa briefing hinggil sa terms and conditions na nasakaad sa SCP.


August 15, 2024 nang personal na tinanggap ni Macapaar ang amnesty application mula kay Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. at NAC Commissioner Atty. Jamar Kulayan sa ginanap na Inter-Cabinet Cluster Mechanism on Normalization o ICCMN caravan sa Camp Bilal, Monai, Lanao del Norte.


Pormal itong naghain ng kanyang amnesty application, August 31, 2024 kasabay ng ilang Members of Parliament mula sa hanay ng MILF.


April ngayong taon nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Memorandum Order 36 na nagbibigay ng awtorisasyon sa National Amnesty Commission na mag-issue ng Safe Conduct Pass pabor sa amnesty applications na sakop ng nilagdaang Proclamation Nos. 403, 404, 405 at 406 series of 2023.


Ito ang kasalukuyang amnesty programs ng gobyerno para sa mga miyembro ng Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas / Revolutionary Proletarian Army / Alex Boncayao Brigade o RPMP-RPA-ABB, former members ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF, at ng kanilang organizations, members ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at members ng Moro National Liberation front o MNLF—


Na nakagawa ng pagkakasala, nakakulong, kinasuhan o convicted sa isang kaso bago ang November 22, 2023 in pursuit of political beliefs o ginawa ang krimen sa ngalan ng kanilang paniniwalang pampulitika.


Ang isang krimen ay itinuturing na ginawa bilang pagtupad sa paniniwalang pampulitika kung ito ay isinagawa bilang bahagi ng plano, programa ng aksyon, o estratehiya na itinakda ng pamunuan ng rebeldeng grupo upang pabagsakin at palitan ang Pambansang Pamahalaan, alinman sa mga sangay nito, o lehitimong awtoridad — gamit man o hindi ang dahas o armas.


Ang mga krimen sa ilalim ng Revised Penal Code na crimes against the state at crimes against public order, na nagawa bago ang November 22, 2023 na maaaring maging saklaw ng aplikasyon para sa amnestiya o mapasama sa mga benepisyaryo ng amnestiya ay ang kinabibilangan ng


a. Rebellion or insurrection;

b. Conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection;

c. Disloyalty of public officers or employees;

d. Inciting to rebellion or insurrection;

e. Sedition;

f. Conspiracy to commit sedition;

g. Inciting to sedition;

h. Illegal assembly;

i. Direct assault;

j. Indirect assault;

k. Resistance and disobedience to a person in authority or agents of such person;

i. Tumults and other disturbances of public order;

m. Unlawful use of means of publication and unlawful utterances;

n. Alarms and scandals;

o. Illegal possession of firearms, ammunition or explosives, provided that these crimes or offenses were committed in furtherance of, incident to, or in connection with the crimes of rebellion or insurrection; and

p. Those charged, detained or convicted of common crimes but who can establish by substantial evidence that they have actually committed said crimes in pursuit of political beliefs.


Hindi saklaw ng amnestiya ang krimen, kahit na nagawa sa ngalan ng paniniwalang pampulitika tulad ng


a. Kidnap for ransom;

b. Rape;

c. Other crimes against chastity as defined in the RPC, as amended;

d. Massacre or similar heinous crimes;

e. Violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165);

f. Terrorism;

g. Crimes committed for personal ends;

h. Crimes turpitude; involving moral

i. violations in domestic and in international law, including those identified by the United Nations as crimes that cannot be amnestied, such as but not limited to genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, and gross violations of human rights,

j. Violation of election laws, rules, and regulations without the favorable recommendation of the Commission on Elections; and

k. crimes committed after November 22, 2023.


Samantala, hindi kwalipikadong mag-apply para sa amnestiya base sa Presidential Proclamation Nos. 403, 404, 405, 406 ang mga hindi kabilang sa nabanggit na rebeldeng grupo, mga aktibong miyembro ng CPP-NPA-NDF; at mga rebeldeng nabigyan na ng amnestiya sa ilalim ng mga naunang proklamasyon ng amnestiya.


Sa kasalukuyang amnesty programs ng gobyerno, nasa 3,313 na ang naghain ng aplikasyon as of July 18, 2025.


69 dito ang mula sa RPMP-RPA-ABB, 2,340 ang mula sa CPP-NPA-NDF, 582 ang mula sa MILF at 322 ang mula sa MNLF.


Sa bilang na ito, isang daan at walumpu’t siyam na ang nabigyan ng Safe Conduct Pass ng National Amnesty Commission. Sila ang unang qualified amnesty applicants na nabigyan ng SCP.


Isang daan at pitumpu’t lima ay mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF, labing isang miyembro ng MILF at tatlong miyembro ng MNLF.


Kabilang sa labing isang miyembro ng MILF na nabigyan ng SCP ang dalawang kasalukuyang alkalde ng Special Geographic Area at limang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament kabilang na si Kumander Bravo.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page