Museum ng Maguindanao del Sur, bukas na sa publiklo; Tanggapan ng Vice Governor, SP building at COMELEC building sa probinsya, magagamit na rin!
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Sa gitna ng patuloy na isinusulong na serbisyong pangkalusugan at iba pang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur-

Itinayo rin ng provincial government ang isang museum na bukas na sa publiko.

Kasabay ng ribbon cutting ay ang bagong COMELEC building at bagong gusali ng Sangguniang Panlalawigan.

Mayroon na ring tanggapan ang Vice Governor ng probinsya.

Pinangunahan ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang pormal na pagbubukas ng mga gusali kasama ang COA Representative na si Sinsuat Magupara, CPA.

Dumalo din si Board Member Andrew Bangkulit, mga Dept Heads, Incoming Board Members at mga empleyado.
Layunin ng Gobernadora ang patuloy na pag-usbong at pag-angat ng lalawigan sa pamamagitan ng paglalapit ng mga kawani sa mga mamamayan upang mas madali itong makapag-bigay ng serbisyong nararapat para sa taumbayan.
Comments