NAGPANGGAP BILANG GLOBE
- Diane Hora
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pahayag ng Globe, ginagamit umano ang kanilang sender ID upang magpakalat ng malisyosong mensahe na may layuning siraan ang pamilya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang kilalang personalidad sa pulitika. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Nanghihikayat din umano ang mga mensahe sa mga recipient na i-click ang kahina-hinalang mga link upang makuha ang umano’y reward points—isang taktika ng “SMS spoofing.”
Paliwanag ng Globe, gumagamit ang mga scammer ng mga pekeng cell tower upang makapagpadala ng mga hindi awtorisadong mensahe sa mga user nito, dagdag pa sa report.
Sinabi naman ng Globe na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang insidente at nakikipagtulungan sa mga awtoridad upang maiwasan ang muling paglitaw ng mga ito.
Pinayuhan din nila ang kanilang mga subscriber na mag-ingat at huwag makipag-ugnayan sa mga kahina-hinalang mensahe o link.
Comments